-- Advertisements --
fuel oil price hike rollback

Hindi magandang balita sa mga motorista dahil asahan ang malakihang umento sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa mga energy sources, ang diesel na ginagamit sa mga public utility vehicles (PUVs) ang may pinakamataas na umento.

Ang presyo ng diesel ay tinatayang may umentong papalo sa P1.95 hanggang P2.55 kada litro.

Habang ang gasolina naman ay mas mababa ang dagdag presyo na P0.30 hanggang P0.85 kada litro.

Malaki-laki rin ang umento sa presyo ng kerosene na P1.45 hanggang P2 kada litro.

Ang oil price adjustment ay karaniwang inaanunsiyo sa araw ng Lunes at ipinatutupad sa araw ng Martes.