-- Advertisements --
Inanunsiyo ng mga kumpanya ng langis sa bansa na magkakaroong ng malakihang taas presyo ng kanilang produkto ngayong linggo.
Maglalaro mula P2.00 hanggang P2.20 ang itataas sa kada litro ng gasolina.
Mayroon namang P1.80 hanggang P2.00 sa kada litro ang pagtaas sa diesel habang P1.20 hanggang P1.30 sa kada litro ang idadagdag sa kerosene.
Ilan sa itinuturong dahilan ay ang pagpataw ng gobyerno ng dagdag buwis sa mga imported na langis.