CAUAYAN CITY – Patuloy na inaapula ng mga kasapi ng Bureau Of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer ang ekta-ektaryang grass fire sa barangay Minante 1, Cauayan City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan ay pahirapan ngayon ang pagpasok ng mga kasapi ng BFP cauayan at mga fire volunteer upang apulahin ang grass fire dahil bukod sa likurang bahagi ng barangay Minante Uno ay mayroon ding mga daraanang mga gate.
Ang nasabing grass fire ay likurang bahagi ng pribadong unibersidad at likurang bahagi ng isang bahay kainan.
Matalahib ang mga nasusunog kayat madali lamang ang pagkalat ng apoy.
Sa ngayon ay nagtulong tulong na ang mga kasapi ng BFP Cauayan at mga fire volunteers upang maapula ang grass fire at hindi na madamay ang mga kabahayan sa nabanggit na barangay