Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na nakahanda ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan sa anomang maaaring maging epekto ng dalawang magkasunod na bagyo na nakapasok na at posibleng pumasok pa sa Pilipinas.
Ayon Kay Presidential Communications Office Assistant Secretary at Spokesperson for Calamities and Natural Disaster Joey Villarama, lagi namang nakataas ang direktiba ng Pangulong Marcos na matiyak ang kahandaan sa tuwing kalamidad linggo pa lamang ayon kay Villarama ay nagpulong na Ang lahat ng OCD regional offices at relevant national departments kung saan ay napag- usapan ang kailangang mga hakbang na gagawin para sa pagdating ng sama ng panahon.
Naka preposition na din aniya dagdag ni Villarama ang mga kakailanganin ng mga residenteng posibleng maapektuhan ng kalamidad.
” Wala pa so far pero the directive has always been to prepare naman. All OCD regional offices and relevant national departments have been meeting as early as Sunday naman in anticipation of the effects of Gener and Pulasan/Helen naman. Most everything has been pre-positioned naman so we’re just waiting for what the actual effect(s) will be,” mensahe ni Asec. Villarama.