Nanawagan ang Palasyo ng Malakanyang na huwag ipahid kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr kung anuman ang magigiging desisyon ng Senado kaugnay sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Pahayag ito ni Palace Press Officer USec. Claire Castro matapos hingan ng pahayag sa posibilidad na hindi matuloy ang impeachment laban kay VP Sara lalo at may kumakalat na draft resolutions na dini-dismiss ang article of impeachment.
Hiling ng Palace Official sa publiko na iwaksi sa kanilang mga isipan na mayruong kinalaman dito si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Castro ang isyu sa impeachment ay nasa kamay na ng Senado at kanilang responsibilidad kung ano ang gagawin nila patungkol sa impeachment proceedings.
Muling binigyang-diin ng Palasyo na nasa kamay na ng senado ang impeachment at hindi makikialam dito si Pangulong Marcos.
Nais lamang ng pangulo na manatili ang proseso at due process at sundin kung ano ang nasa konstitusyon.
Kaugnay naman sa nangyayaring debate na posibleng mag- crossover sa 20th congress ang impeachment trial laban kay VP Sara.
Tugon ni Castro may kanya-kanyang ideya dito ang mga experto na maaring tumawid sa 20th congress ang impeachment trial.