-- Advertisements --

Bumwelta ang Palasyo ng Malakanyang sa naging mainit at maanghang na pahayag ni Davao City Mayor Baste Duterte laban sa pamilya marcos partikular kay pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi kasi ni Mayor baste na walang utang na loob ang Pangulo kasunod ng pagpayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ilibing sa libingan ng mga bayani ang dating pangulong ferdinand marcos sr.

Ayon kay Palace Press Officer Usec Claire Castro walang katotothan na hindi tinatanaw na utang na loob ng pamilya marcos ang ginawa ng dating pangulo, bagkus nuong 2016 nagpasalamat nuon si dating senator at ngayong Pangulong marcos sa supreme court at at maging kay pangulong duterte at sinabing habang buhay na tanawin na utang na loob ito ng pamilya marcos.

Binalik naman ni Castro ang tanong kay mayor baste  ang pag appoint dating PRRD kay Michael yang na isang chinese national bilang presidential adviser on economic affairs ay hindi ba ito pagtanaw ng utang na loob.

Binigyang diin ni castro ang paglibing kay dating Pangulong marcos sr sa libingan ng bayani ay naayon sa batas.

At ang pag aresto kay ex-PRRD ay naayon din sa batas at ito ay commitment ng gobyerno sa Interpol at hindi sa ICC.

Sabi ni Castro hindi dapat mahinto ang utang na loob para ipatupad ang batas.

“ Yes, opo. As early as 2016, dati pa pong senador ang Pangulo ngayon, nagpasalamat na po ang Pangulo – 2016 pa po sa Supreme Court na nagbigay ng desisyon na dapat ilibing ang kaniyang ama sa Libingan ng mga Bayani. Noon pa po sila nagpasalamat at sinabi nga nila na forever silang tatanaw ng utang na loob sa napakagandang gesture ng dating Pangulong Duterte. Pero ang pagtanaw po ng utang na loob ay hindi dapat madiskaril at hindi dapat magtraydor sa batas at sa hustisya,” pahayag ni USec. Claire Castr0o