-- Advertisements --

Nanawagan si Communications Secretary Martin Andanar sa publiko na manatiling kalmado at iwasan ang diskriminasyon sa gitna nang mabilis na pagkalat ng 2019 novel coronavirus.

Sa isang statement, umaapela si Andanar sa sambayanang Pilipino na makiramay sa mga higit na vulnerable, sa halip na i-discrimate ang mga ito.

“We should not let fear turn us against one another, especially if these fears are unfounded,” ani Andanar.

Nitong araw lang ay kinumpirma ng Department of Health na umakyat na sa dalawa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng novel coronavirus sa Pilipinas.

Isa sa naturang bilang ay ang 44-anyos na Chinese national na tuluyan nang binawian ng buhay.