Binigyang- pugay ng Malakanyang ang mga mangingisda at magsasaka ngayong pagdiriwang ng buwan ng pagkaing Pinoy.
Ayon sa Presidential Communications Office, nakatutok ang pagdiriwang ng Filipino Food Month sa pagkilala sa mga Pilipinong magsasaka at mangingisda.
Ipinunto ng PCO na ang mga magsasaka at mangingisda ang nagbibigay pagkain sa bawat hapag-kainan ng mga Pamilyang Pilipino kaya’t marapat lang ialay sa kanila ang buwan ng pagdiriwang ng pagkaing Pinoy.
Sa harap nito binigyang din rin ng PCO na nananatiling pangunahing programa ng pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang seguridad sa suplay ng pagkain.
Kasama na dito ang pagpapaunlad ng agrikultura gayundin ang pagpapayaman ng lokal na produksiyon ng pagkain katuwang ang iba’t ibang sektor ng lipunan.
Sa kabilang dako, siniguro naman ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na gagawin ng kaniyang administrasyon ang lahat para bumaba pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa partikular ang mga pagkain.