-- Advertisements --
tao

Malaking mayorya ng mga Pilipino ay nagnanais na palakasin ang ugnayang pang-ekonomiya sa Estados Unidos at Japan.

Ito ay matapos ang kamakailang isinagawang survey ng Pulse Asia.

Ang poll, na inatasan ng international think tank na Stratbase ADR Institute, ay isinagawa mula Setyembre 10 hanggang 14 ang survey.

Hiniling nito sa 1,200 respondents sa buong Pilipinas na tukuyin ang tatlong bansang pinaniniwalaan nilang dapat palakasin ng administrasyong Marcos ang ugnayang pang-ekonomiya.

Sinabi sa survey na 74% ng mga Pilipino ang nagnanais na magkaroon ang bansa ng mas malakas na ugnayang pang-ekonomiya sa Estados Unidos.

Ang nangunguna sa tatlo ay ang Japan na may 55%, at Australia na may 46%.

Una na rito, napag-alaman din sa poll na 70% ng mga Pilipino ang sumasang-ayon na ang pribadong sektor ay may mahalagang papel sa pagtiyak ng seguridad sa ekonomiya ng bansa.