-- Advertisements --
Pansamantalang isasara ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kanilang main office sa Roxas Boulevard, Pasay City simula ngayong Martes, Hulyo 28.
Ito ay bahagi aniya ng isinasagawang assessment ng Kagawaran sa public health at safety na ipinapatupad sa kanilang opisina.
Wala pang itinakdang petsa sa kung kailan muli magbubukas ang DFA main building.
Samantala, nananatili namang bukas ang DFA consular office sa ASEANA pati na rin ang iba pang consular offices.