-- Advertisements --

Wala na umanong tiyansa na may mahahanap pang mga survivor dalawang linggo matapos ang pagguho ng 12 palapag na condominium sa Florida, USA

Sa kasalukuyan kasi, nasa kabuuang 46 bangkay na ng mga biktima ang narekober mula sa gumuhong Champlain Towers South condominium building kung saan tinatayang 94 pa ang nawawala.

Sinabi ni Assistant Chief Ray Jadallah ng Miami-Dade Fire Rescue sa pamilya ng mga biktima na ikinokonsiderang nasa recovery mission ang isinasagawang search and rescue operation kung saan wala na aniyang inaasahan pang mahahanap na mga survivor.

Maaalala na ipinag-utos ni Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava nitong nakalipas na Linggo ang demolition sa nalalabing bahagi ng gumuhong condominium sa pag-asang mahahanap pa ang ibang nawawala.