
Tinatayang aabot sa mahigit 40 Russian drones ang matagumpay na napabagsak matapos ang kaliwat-kanang pag-atake sa kabisera ng Ukraine.
Nag-iwan ng isang patay ang ginawang paglusob ng mga Russian gamit ang kanilang drones sa Kyiv noong umaga ng Linggo.
Ayon kay Kyivs Mayor Vitali Klitshko, umabot na sa 20 unmanned aerial vehicle ang unang napabagsak ng Ukrainian air defense forces.
Batay sa kabuuang datos, umabot na sa 40 Russian drones ang kanilang napabagsak sa buong magdamag ng labanan.
Ang namatay ay isang 41 year old na lalaki sa lungsod ng Solomyanskyi district matapos ang pag-atake habang nasugatan naman ang isang 35 year old na babae matapos mabagsakan ng debris ng naturang mga drone na napabagsak.
Nagdulot rin ng sunog ang ilang debris ng drone sa ilang building sa lungsod.










