-- Advertisements --
shabu

Nasa mahigit P55 million halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa isang Liberian national sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Ito ay matapos na harangin ng mga otoridad ang naturang dayuhan na dumating sa nasabing paliparan mula sa Doha, Qatar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na mayroong mahigit walong kilo ng puting substance na pinaghihinalaang methamphetamine hydrochloride ang nasabat mula sa 34 taong gulang na suspek.

Ang naturang mga ilegal na droga ay tinangka pang itago ng suspek sa pamamagitan ng pagsisilid nito sa 15 improvised pouches ng dried shrimp at condiments na nakalagay naman sa kanilang dalawang bagahe.

Bukod dito ay nasamsam din ng mga otoridad ang kaniyang pasaporte, dalawang boarding passes, isang mobile phone, at isang customs baggage declaration form.