-- Advertisements --
Target ng pamahalaan na ilaan ang nasa mahigit P20 billion mula sa 2023 budget ng pamahalaan para sa pagbili ng COVID-19 vaccines sa susunod na taon.
Ito ang inihayag ni Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Tina Canda kasunod ng pagsumite ng ahensiya sa Kamara ng kopya ng P5.268-trillion National Expenditure Program (NEP).
Ayon kay Canda, nasa ilalim ito ng unprogrammed fund dahil mayroon pang mga bakuna ang bansa.
Subalit sa oras aniya na kailanganin ng bumili ng reformatted vaccined, may sapat na pondo sa ilalim ungprogrammed appropriation o ang standby appropriations na mayroon ang mga mambabatas.










