-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasamsam ang nasa mahigit P100-K na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa buy-bust operation sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang suspek na si Charles Nanez, 39-anyos residente ng Brgy. Gibanga sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakabili ang nagpanggap na posuer buyer sa suspek ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P1,000 bilang buy bust money.

Maliban pa dito, nakuha pa sa suspek ang dalawang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng ipinagbabawal na gamot na mayroong bigat na humigit-kumulang 5 grams at nagkakahalaga ng nasa P102,000.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.