-- Advertisements --

NAGA CITY – Kumpiskado ang mahigit P1.3-M na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa isinagawang buy-bust opration ng mga awtoridad sa magkasintahang suspek sa Naga City.

Kinilala ang mga suspek na sina Marivic Cabral, 38-anyos at Jason Belleza, 24-anyos, parehas residente ng Dapdap, Zone 7, San Rafael, Brgy. Cararayan sa nasabing lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na sa nasabing operasyon, nakumpirka ng mga awtoridad ang iligal na droga na tinatayang mayroong bigat na nasa 150 grams.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na tinatayang nagkakahalaga ng nasa humigit kumulang P1,360,000 ang nasabing mga nakumpiskang iligal na droga.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtorudad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.