-- Advertisements --
image 388

Nagpatupd na ng mga strategic measure ang Philippine National Police (PNP) para malinis ang natitirang 8,288 pa na mga barangay na apektado ng impluwensiya ng iligal na droga.

Ayon kay PNP chief General Benjamin Acorda, matagumpay na nalinis na mula sa iligal na droga ang nasa 76.67% ng 35,356 na apektadong mga barangay mula sa kabuuang mahigit 42,000 barangay sa buong bansa.

Sa mahigit 35,000 barangay na cleared na, 27,248 dito ay ganap ng nalinis mula sa impluwensiya ng iligal na droga.

Ang pinakamalaking bilang ng drug-cleared ay sa Calabarzon na nasa 97.06%, sinundan ito ng Cagayan Valley region na nsa 95.55% at Cordillera region na nasa 95.22%.

Nasa 94.52% naman ang drug clearance rate sa Eastern Visayas habang sa Central Mindanao ay nasa 89.37%

Kaugnay nito, kinilala ng PNP chief ang pagsisikap ng Barangay Drug Clearing Program na ipinatupad noong Hulyo 2016 nang ilunsad ng dating Pangulong Rodrigo Duterte ang drug war.