-- Advertisements --
viber image 2023 07 01 09 48 39 547

Aabot sa 86 na mga na-stranded na mga pasahero sa Basco, Batanes ang naihatid ng Philippine Air Force patungong Maynila.

Ito ay matapos na ma-stranded ang naturang mga pasahero nang dahil sa kanselasyon ng mga flight ng iba’t-ibang mga airlines sa lugar.

Nagkataong nagsasagawa rin ng mga misyon sa lugar ang ilang tauhan ng Philippine Air Force kaya’t agad ding nakapagsagawa ng humanitarian transport ang Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng mga asset ng PH Air Force.

Ang dalawang C-295 aircraft ng Hukbong Panghimpapawid na ginamit sa naturang humanitarian transport ay gagamitin din sana para sa movement ni AFP chief of staff Gen. Andres Centino para sa kanyang official visit sa Northern Luzon Command ngunit pansamantala itong ginamit muna para sa naturang misyon upang maihatid ang ating mga kababayan na kinakailangan nang makabalik sa Maynila para sa kanilang trabaho at pag-aaral.