-- Advertisements --
Bureau of Customs sa Port of Cebu

May kabuuang 502 tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang sumailalim sa anim na buwang pagsasanay at nagtapos na may ranggong corrections officer 1 (CO1) ngayong araw.

Sa ginanap na graduation ceremony sa punong-tanggapan ng BuCor sa Muntinlupa City, hinimok ni BuCor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang mga bagong graduate na tulungan siyang mapabuti ang kawanihan.

Aniya, kailangan maibalik ang respeto ng publiko sa mga tauhan ng BuCor.

Dagdag dito, sinimulan ng graduation ceremony ang isang linggong pagdiriwang ng ika-118 anniversary ng pagkakatatag ng BuCor.

Gayundin, sinabi ng BuCor na kumuha ito ng 528 bagong correction officer 1 personnel na manunumpa sa kanilang panunungkulan sa Martes, Nobyembre 7.

Hinimok din ni Catapang ang mga graduates na gawing “relevant, sustainable, at respected” ang pamunuan ng BuCor.