-- Advertisements --
image 7

Apektado ang mahigit 41,517 na indibidwal o 10,652 pamilya na naninirahan sa 26 barangay dahil sa aktibidad ng Mayon, ayon yan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

18,751 katao o 5,365 pamilya ang nananatili sa 28 evacuation centers sa Bicol Region, habang 1,427 katao o 408 pamilya ang naghahanap ng pansamantalang tirahan sa labas ng mga evacuation center.

Ayon sa NDRRMC, nasa P130.5 milyong halaga na ng tulong ang naibigay sa Rehiyon ng Bicol, sa ngayon.

Samantala, may kabuuang 397 rockfall events ang naitala sa Mayon Volcano sa nakalipas na 24 na oras, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Linggo.