-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umabot na sa mahigit tatlong libong itik ang isina-ilalim sa depopulation sa bayan ng Magsaysay Davao del Sur matapus makompirma ang pinaka-unang kaso ng bird flu.

Inihayag ni Dr Armie Capuyan, ang Avian Flu Focal person ng Department of Agriculture kailangang gawin ang depopulation sa naturang mga itik upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa katabing mga bayan at para na rin maprotektahan ang ibha pang mga poultry farms sa buong davao region.

Nilinaw rin ni Dr Capuyan na nanatiling zero case ng bird flu ang Davao Region kung ang pagbasehan ay ang organic o ang pinanggalingan ng virus kahit pa man at naitala ang pinaka-unang kaso ng bird flu sa naturang bayan.

Ikinatwiran ng DA official na nagmula sa President Quirino, Sultan Kudarat ang itik na nag-positibo sa bird flu at dinala lamang ito sa Magsaysay, Davao del Sur na siyang nakahawa sa iba pang mga alagang itik ng naturang lugar.