-- Advertisements --
Screenshot 2020 07 25 10 19 10

GENERAL SANTOS – Magkaibang kalibre ng baril ang isinapubliko ni Police Regional Office Region 12 (PRO-12) Director Brig Gen John Dubria sa isang pagtitipon.

Bunga umano ito ng kampanya ng gobyerno laban sa New People’s Army (NPA) at iba pang armdong grupo na responsable sa mga krimen sa rehiyon.

Pinakamarami sa mga armas ay mula sa Cotabato City na mayroong 157.

Nasa 146 rito ang nakumpiska sa mga police operation habang 27 ang galing sa NPA.

Ang probinsiya ng South Cotabato ay may 26 na nakumpiskang baril, 33 naman sa Sultan Kudarat, Sarangani Provincial Police Office ay mayroong 19 habang 16 naman galing sa General Santos City.

Dagdag ni Dubria na umakyat na sa 210 ang mga sumukong miyembro ng NPA at dalawa sa kanila ng namatay sa encounter.

Ang pagkakumpiska ng nasabing mga baril ang nangyari noong hindi pa pirmado ang Anti Terrorism Act.