-- Advertisements --
Ipinagmalaki ng Department of Tourism na nakapagtala sila ng mahigit tatlong milyong international tourist arrivals sa unang pitong buwan ng 2023.
Sa nasabing bilang ay 91.36 percent dito ay mga international foreign tourist habang mayroong 8.64 percent naman ay mga overseas Filipino workers.
Nanguna ang South Korea sa bansan may pinakamaraming foreign tourist na sinundan ng US at pangatlo naman ang Australia.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na mayroong magandang indikasyon ang pagtaas ng foreign arrival dahil magbibigay ito ng mas maraming trabaho sa mga Filipino.