-- Advertisements --
image 535

Humigit-kumulang 2,500 voluneers para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) mula sa mga lugar sa rehiyon ng Bangsamoro ang umatras sa mga tungkulin sa botohan.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sa buong Bangsamoro, 2,500 guro ang hindi makakapaglingkod, ngunit mayroong 3,000 PNP personnel na sinanay para magsilbi bilang electoral board members.

Sinabi ni Garcia na iba-iba ang kanilang mga dahilan sa pag-back out.

Giit ni Garcia na dapat ding kausapin ang DepEd kasama ang Ministry of Basic, Higher and Technical Education dahil hindi na dapat umatras ang mga volunteer sapakat may pananagutan na ang mga ito at may responsibilidad ng maglingkod.

Sinabi ni Garcia na haharapin nila ang pag-withdraw ng mga boluntaryo pagkatapos ng BSKE at sinabing inuuna nila ang maayos na daloy ng halalan.

Matatandaan na nagdeploy ng karagdagang 800 pulis sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para sa BSKE upang palakasin ang seguridad sa mga lugar na itinuturing na poll hotspots.