-- Advertisements --

Umabot na sa mahigit 23,710 na mga Filipinos ang napauwi ng gobyerno mula noong Pebrero dahil sa coronavirus pandemic.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ang mga umuwing OFW ay mula sa repatriation program ng gobyerno sa pakikipag-ugnayan na rin ng iba’t-ibang bansa.

Binubuo ito ng 16,668 na seafarers at 7,022 na land-based OFW.

Nasa 1,677 Filipino naman ang nadapuan ng virus kung saan 201 na ang nasawi at 401 ang gumaling.