-- Advertisements --

Pumalo na sa mahigit 2.65 million na mga empleyado ng small businesses ang nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa gobyerno ngayong coronavirus pandemic.

Sa ipinasang ika-walong linggong ulat ng pangulo sa kongreso, umabot na sa P20.4 billion ang nailabas nila sa pamamagitan ng Social Security System (SSS) para sa 2,654,155 benepesaryo ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) program.

Ang P51-billion na financial assistance ay umaabot sa P5,000 hanggang P8,000 na tulong pinansyal kada yugto depende sa minimum wage sa isang lugar.

Itinakda naman ang second tranche ng tulong mula Mayo 16 hanggang 31.

Mabibigyan naman ng tulong pinansiyal ang mga benepesaryo ng Department of Labor and Employment cash assistance program na aabot sa P5,000 para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).