-- Advertisements --

Nagtala ng panibagong record ang South Korean group na BTS.

Umabot kasi sa mahigit 18.4 milyon viewers sa buong mundo ang nanood ng kanilang konsiyerto sa streaming platform na Netflix.

Nangangahulugan ito na marami pa ring mga fans ng grupo ang naging sabik na makita na magkakasama ang grupo.

Ang live broadcast mual sa Gwanghwamum Square sa Seoul ay nanguna sa listahan ng Netflix sa 24 bansa.

Magugunitang inilabas ng grupo ang kanilang bagong album na “Arirang” kung saan nakabenta agad ito ng mahigit apat na milyong kopya sa unang araw lamang.

Magsisimula rin sa buwan ng Abril ang kanilang world tour na magtatapos ng hanggang Marso ng 2027.