Umabot na sa 17, 379 ang kabuuang bilang ng mga titulo ng lupa na naipamahagi ng Department of Agrarian Reform (DAR) mula Enero hanggang sa kasalukuyang buwan.
Ang mahigit 17,300 na titulo ay naipamahagi sa kabuuang 16,843 na mga magsasaka at kinapapalooban ng hanggang 15,817 na ektarya ng mga sakahan.
Ayon kay DAR Secretary Conrado Estrella, magpapatuloy pa rin ang pamamahagi nila ng mga libreng titulo ng lupa upang matulungan ang mga magsasaka sa buong bansa na magkaroon ng sariling titulo sa kanilang mga sinasaka at walang sinumang ang makaka-agaw nito sa kanila.
Ngayong taon, ang target sana ng DAR ay magawang hatiin ang kabuuang 345,089 na ektarya ng lupain/sakahan.
Habang ang mga titulo ng lupa na target nitong maipamahagi ay aabot ng 134, 000.
Gayonpaman, sinabi ng kalihim na maraming bumabalot na problema sa ilalim ng Agrarian reform sa bansa.
Sa katunayan aniya, nadiskaril ang Comprehensive Agrarian Reform Program ng pamahalaan sa nakalipas na 20 taon, ngunit pinipilit umano ng naturang ahensiya na matugunan ang mga problemang dulot nito.