-- Advertisements --
image 179

Isang malaking aquarium sa Berlin ang sumambulat at nagtapon ng 1 milyong litro (264,172 gallons) ng tubig at humigit-kumulang 1,500 na iba-t ibang isda.

Sumugod ang 100 emergency responder sa site, isang leisure complex sa Radisson hotel malapit sa isang museo na may pinakamalaking freestanding cylindrical aquarium sa mundo at may taas na 14 metro (46ft).

Ayon sa mga nananatili sa hotel, parang earthquake umano ang kanilang naramdaman at nagulat sa naganap na kaguluhan.

Sa kagustuhan na mailigtas pa ang ilang isda, kumuha pa ang mga tauhan nang maliit na gallons ngunit hindi rin nagtagumpay dahil sa sirang linya ng kuryente.
Sinabi ng tagapagsalita ng fire brigade na hindi pa rin malinaw kung ano ang naging sanhi ng pagsabog ng aquarium ng AquaDom.

Labis naman ang pagaalala ng mga malapit sa lugar dahil na rin sa splinter glass at kuryente na maari pang magdulot ng epekto sa lugar.(report from Bombo Chill Emprido)