-- Advertisements --
image 429

Tinatang nasa humigit kumulang 2 trillion Turkish liras o US$105.2 billion ang halaga ng nawala dahil sa tumamang malakas na twin earthquakes o dalawang magkasunod na lindol sa southern Turkey noong Pebrero 6 base sa inilabas na official report ng Treasury and Finance Ministry ng Turkey.

Inaasahan na ang financial burden dala ng trahedya dahil sa pinsalang iniwan ng pagyanig ay aabot sa humigit kumulang 9% ng national income ngayong taon ng Turkey.

Base sa pag-aaral, ang support expenditures para sa mga lugar na tinamaan ng lindol ay nagkakahalaga ng kabuuang 351 billion liras o US$ 18.5 billion sa kanilang pambansang pondo.

Pinakamalaking pinsala ay sa mga kabahayan na may kabuuang burden sa ekonomiya ng Turkey na 54.9%.

Pangalawa sa pinakamalaking dahilan ng damage loass ay sa pinsala sa public infrastructure at service buildings na nasa tinatayang 242.5 billion liras o US$ 12.7 billion.

Kung matatandaan na tumama ang magnitude 7.8 na lindol sa southern province ng Turkey na Kahramanmaras noong Pebrero 6 na sinundan ng isa pang magnitude 7.6 na lindol sa parehong province.

Lagpas sa 48,000 ang naitalang nasawi sa pagyanig habang nasa libu-libong katao naman ang nawalan ng tirahan matapos na gumuho dahil sa malakas na lindol.