-- Advertisements --
image 62

Naghain ng kaso ang Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa 127 korporasyon dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na nagkakahalaga ng P6 billion.

Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui, ito na ang ikalawang nationwide filing ng kaso laban sa mga kompaniya at sa mga corporate officers.

Saad pa ng Commissioner na inihain ang naturang reklamo laban sa 214 corporate officers.

Natuklasan kasi ayon sa BIR commisioner na ilan sa mga korporasyon ay hindi nag-remit ng kanilang withholding tax o pera na ikinaltas ng employer mula sa kanilang mga empleyado at kanilang value added tax sa BIR.

Saad pa ng opisyal na nabigo rin ang mga korporasyon na sagutin ang mga notice mula sa kanilang ahensiya.

Sa mga sinampahan ng complaint, ayon kay BIR chief Lumagui kabilang dito ang mga kompaniya mula sa manufacturing, retail, importation at construction kung saan ilan sa mga kompaniyang ito ay bilyun-bilyon ang halaga.

Kaugnay nito, todo ang panawagan ng opisyal sa mga nagmamay-ari ng mga negosyo na magbayad ng kanilang mga buwis at tumugon sa kanilang inisyung notice.