-- Advertisements --
DISTRESSED OFWs

Ngayong araw nakabalik na sa bansa ang nasa mahigit 100 distressed overseas Filipino workers (OFWs).

Sakay sila ng eroplano na may flight number na EK0336 at lumapag sa NAIA Terminal 3 kaninang ala-5 ng umaga.

Ayon sa mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), nasa Immigration pa ang mga kababayan natin.

Pagkatapos ay didiretso sila sa conveyor belt kung saan isasalang muna sila sa orientation.

-- Advertisement --

Samantala, sinabi ni Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega na nasa 400 Pilipino pa ang nasa shelter sa Kuwait.