-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Pumalo na sa 111 ang kabuoang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Santiago City .

Ito ay matapos na maitala kahapon ang isang panibagong COVID-19 related deaths ng Lungsod.

Samantala, naitala rin kahapon ang 9 na panibagong kaso ng virus dahil dito ay umakyat na sa 4,150 ang total confirmed COVID-19 cases at sa naturang bilang 103 ang aktibong kaso.

Habang naitala naman ang 20 panibagong recoveries kaya pumalo na sa 3,936 ang kabuoang COVID-19 recoveries ng Santiago City.

Pinakamaraming naitalang COVID-19 cases ay sa barangay Rosario na 422, habang 365 sa Barangay Rizal at 289 sa barangay Plaridel.

Patuloy naman ang paglalatag ng mga disinfection Activity sa bawat Barangay sa Santiago City sa pangunguna ng disinfection team.