-- Advertisements --

Nasunog ang mahigit 100 kabahayan sa isang residential area sa Zone 6, Barangay Talaba 3, noong Sabado ng gabi, na nagresulta sa pagkasira ng mga tirahan ng tinatayang 200 na pamilya.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog at kinailangan ng walong fire trucks upang maapula ang apoy. Ayon kay barangay official, naiwan umanong kandila ang sanhi ng insidente.

Pasado alas-12 ng madaling-araw nitong Linggo ng maapula ang sunog.

Samantala ayon sa mga residente sa lugar nagsimula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng isang bahay.

Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa insidente. Pansamantalang nakikituloy ngayon ang ilang evacuees sa mga kapitbahay, kamag-anak, barangay hall, at Talaba Elementary School.