-- Advertisements --

Nasa mahigit isang milyong katao sa Finland ang nag-download ng coronavirus tracing app.

Ang nasabing bilang ay naitala isang araw mula ng ito ay ilunsad.

Tinawag ito na Koronavilkku o Corona flash na isang free program na gawa ng Finnish Institute for Health and Welfare.

Kasalukuyan ito ay available lamang sa Finnish at Swedish.

Mabibigyan ang mga users ng random generated code sa pamamagitan ng bluetooth kapag sila ay mayroong nakasalamuhang positibo sa COVID-19.

Umaasa ang THL na sa pamamagitan ng app ay matutulungan maputol na ang infection chains.