Mahigit sa 1,000 pag-atake sa mga sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa Ukraine ang naitala na mula nang magsimula ang pagsalakay ng Russia, ayon sa WHO.
Ang mga pag-atake ay nakaapekto sa mga healthcare providers, medical supplies, facilities at transportortation, kabilang din ang mga ambulansya.
Sinabi ng WHO, na ang 1,004 na pag-atake na na-verify ng WHO sa nakalipas na 15 buwan ng malawakang digmaan ay kumitil ng hindi bababa sa 101 na buhay ng mga healthcare workers.
Ayon kay WHO representative Jarno Habicht, ang mga nasabing pag-atake ay isang paglabag international humanitarian law.
Kung matatandaan, noong nakaraang linggo, isang resolusyon na pinagtibay sa taunang pagpupulong sa paggawa ng desisyon ng WHO sa Geneva ang humiling na agad na itigil ng Moscow ang lahat ng pag-atake sa mga ospital sa Ukraine.
Sa ilang mga rehiyon, partikular na sa eastern Ukraine, ang mga serbisyong pangkalusugan ay partially operating lamang dahil sa pinsala sa mga istrukturang pangkalusugan.