-- Advertisements --

Tumaas pa sa mahigit 1.7 million katao na ang apektado ng El Niño phenomenon sa bansa.

Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) spokesperson and Assistant Secretary for Legislative Affairs Irene Dumlao, ang mga apektadong indibidwal ay mula sa Regions 2, 3, Mimaropa, 5, 6, 7, 9, 12 at sa Cordillera Administrative Region.

Sa kabila nito, ayon sa DSWD official wala pang mga indibidwal ang inilikas o na-displace dahil sa naturang weather condition.

Bilang tulong naman sa mga pamilyang nakakaranas ng kakulangan sa pagkain dahil sa tatuyot o severe drought, namahagi na ang DSWD ng kabuuang P58 million na halaga ng family food packs gayundin ng pinansiyal na tulong.

Maliban pa sa humanitarian response action, mayroon ding proaktibong intervention ang DSWD gaya ng Project Lawa at Binhi para magkaroon ng access sa tubig ang mga apektadong komunidad dahil sa El Nino upang labanan ang kagutuman at pababain ang economic vulnerabilities ng mga ito.

Kung saan ang mga benepisyaryo ng nasabing mga proyekto ay binibigyan ng pansamantalang income sa pamamagitan ng cash for trainingg at cash for work.

Samantala, mayroon ding Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program ang ahensiya bilang karagdagang suporta sa mga apektado ng naturang weathe phenomenon.