-- Advertisements --

ILOILO CITY – Karumal-dumal ang sinapit ng isang magsasaka matapos pinagtagaga at pinugutan pa ng ulo sa Barangay Nasuli, San Remegio, Antique.

Ang biktima ay isang Ronito “Dodoy” Anecito, 63-anyos.

Ang mga suspek naman ay nagngangalang Ruben Gregorio, 27, at Joseph Anacleto, 35, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo iloilo kay P/Lt. Johnny Arnad, officer-in-charge ng San Remigio Municipal Police Station sa Antique, sinabi nito na habang naglalakad pauwi ang biktima ay sinundan siya ng mga lasing na suspek at tinaga.

Hindi pa aniya nakuntento, pinugutan pa ito ng ulo ng mga suspek.

Dagdag pa ng opisyal, pinaglaruan at pinagpasapasahan ng mga suspek ang ulo ng biktima matapos pugutan.

Natagpuan naman ang pugot na ulo ng biktima ilang metro mula sa katawan nito.

Kaagad namang nadakip ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong murder.

Sinasabing may matagal nang alitan sa pagitan ng biktima at mga suspek na siyang tinuturong dahilan ng krimen.