-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Major Sheryl Guzman, chief of police ng PNP-Paoay ang pagkamatay ng isang magsasaka pagtatagain sa Barangay Sta. Rita ng nasabing bayan.

Kinilala ni Guzman ang biktima na si Marlon Cochapin, 48-anyos, walang asawa at isang magsasaka.

Ayon kay Guzman, nakatanggap ang kanilang opisina ng report na isang bangkay ang nakita sa maisan dhailan upang agad na magresponde ang kapulisan.

Sinabi nito na sa kanilang inisyal na imbestigasyon, nagpaalam ang biktima sa kanyang ina para bumisita sa kanyang sakahan ngunit hindi na nakabalik at natagpuan na lamang na patay sa maisan.

Ipinaalam nito na ng makita ang ay posibleng may apat hanggang anim na oras na itong patay base sa eksaminasyon ng Rural Health Unit (RHU).

Samantala, iginiit ni Mrs. Renelie Cabuntasan, kapatid ng biktima na wala silang alam na rason upang mahirapan at mapatay ang kanilang kapatid.

Aniya, ang mga huli lamang na nasabi ng kanyang kapatid ay ang pagkain ng mga alagang hayop ibang tao sa kanyang mga pananim na mais.

Ayon kay Cabuntasan, sa mga nakalipas na linggo ay may lumalabas rin na nakaalitan nito ngunit hindi nila alam ang rason.

Sa ngayon ay nagpapatuloy parin ang imbestigasyon ng PNP-Paoay lalo na sa motibo ng insidente at pagdiskubre sa pagkakakilanlan ng suspek.