-- Advertisements --
ILOILO CITY – Patuloy pa ring hinahanap ng mga otoridad ang suspek na brutal na pumaslang sa kanyang mga kamag-anak dahil sa away umano sa lupa sa Barangay Madarag, San Enrique, Iloilo.
Nakilala ang magpinsan na sina Ruben Campos, 30, residente ng nasabing barangay, at Limuel Bandi-anon, 36-anyos, residente ng Barangay Jaguimitan, Passi City.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Major Gilbert Baldevarona, hepe ng San Enrique Municipal Police Station, sinabi nito na tinambangan ng suspek ang mga biktima kung saan nagkasagutan pa ang mga ito bago ang krimen.
Nagtamo ng sugat sa tiyan ang mga biktima dahil sa tama ng bala na dahilan ng kanilang pagkamatay.