-- Advertisements --

SA LUNSOD NG ILAGAN – Namatay ang magpinsang lalaki matapos bumangga sa sementadong barikada ng tulay ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Barangay Manaring, Ilagan City.

Ang nasawi Joshua Agregado,25 anyos, driver ng sinakyang motorsiklo at kang kanyang pinsan na si Mark Bryan Cabang, 28 anyos, kapwa residente ng City of Ilagan

Habang ang isa pang backrider na kapatid ng tsuper na si Jonathan Gabuyo, 20 anyos, isang estudyante ay nagpapagaling sa pagamutan.

Batay sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, habang lulan ng motorsiklo ang magpipinsan at binabaybay ang lansangan papasok sa Lungsod ng ilagan pangunahin na sa pakurbadang daan malapit sa tulay ay nag-overshoot o lumabis umano sa paggilid ang motor.

Sumalpok ang motorsiklong sinakyan ng mga biktima sa konkretong barikada sa dulo ng tulay

Dead on arrival sa pagamutan si Joshua Agregado na nahulog pa sa tulay habang ilang oras lamang ang lumipas ay namatay din ang pinsang angkas na si Mark Bryan Cabang, habang patuloy namang nagpapagaling sa ospital si Gabuyo.

Tumugon ang mga kasapi ng Rescue 1124 at kaagad binigyan ng lunas ang mga biktima na umanoy positibo sa nakalalasing na inumin at wala pang suot na mga helmet.

Sa panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong-Barangay Roberto Saccuan ng Barangay Manaring kanyang kinumpirma na accident prone area ang lugar dahil sa bakurbadang daan sa kabila na mayroon naman umanong sapat na ilaw sa lugar daan.