-- Advertisements --

Nakatiyak na sa twice to beat na puwesto sa PBA Commissioner’s Cup playoffs ang Magnolia Hotshots matapos talunin ang Rain or Shine 106-90.

Mula sa simula ay kontrolado ng Magnolia ang laro kung saan nasa pangalawang puwesto na sila kasamang makakaharap ang Phoenix Super LPG sa quarterfinals.

Bumida sa panalo ang import ng Magnolia na si Nick Rakocevic na mayroong 21 point at 13 rebounds habang mayroong tig16 points sina Paul Lee at Ian Sangalang.

Mayroon ng 10 panalo at dalawang talo ang Magnolia habang mayroong limang panalo at pitong talo ang Elasto Painters.

Makakaharap naman ng Rain or Shine ang NLEX para sa do-or-die.