-- Advertisements --

Nalusutan ng Magnolia Hotshot ang Phoenix 102-95 para matiyak ang puwesto sa semifinals ng PBA Commissioner’s Cup.

Umarangkada si Calvin Abueva sa last quarter at ito ay nagtala ng kabuuang 18 points at limang rebounds habang mayroong 18 points, 13 rebounds at limang assists si Nick Rakocevic.

Nag-ambag naman 16 points si Mark Barroca, 15 points k ay Paul Lee at 11 points naman si Adrian Wong.

Susunod nilang makakaharap ang sinumang manalo sa pagitan ng Ginebra at NorthPort.