-- Advertisements --
Balik sa winning form ang Magnolia matapos na malusutan ang ma-upset sila ng Blackwater 90-75 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.
Nabaligtad ng Hotshot ang laro sa pamamagitan ng 15-0 rund sa loob ng limang minuto sa ikatlong quarter kung saan hawak pa ng Blackwater ang kalamangan 36-24 sa laro na ginanap sa Smart Araneta.
Nanguna sa panalo ng Magnolia si Javi Gomez De Liano na nagtala ng 17 points habang mayroong 16 points, siyam na rebounds si Ian Sangalang.
Nakulangan naman si Magnolia coach LA Tenorio dahil sa ayaw na niyang maulit na sila ay naghahabol lagi sa mga laro.
Nasayang naman ang nagawang 16 points ni Sedrick Barefield para sa Bossings.
















