Yumanig ang isang malakas na lindol na may magnitude 7.7 sa baybayin ng silangang Indonesia madaling-araw ng Sabado, ayon sa geophysics agency ng Indonesia.
Nagtala ng maliliit na alon ng tsunami na mas mababa sa isang metro (3 talampakan) sa ilang apektadong lugar matapos ang pagyanig.
Ayon kay Dodi Yuleova, tagapagsalita ng national disaster mitigation agency, mabilis na nagtakbuhan palabas ng kanilang mga tahanan ang maraming residente nang maramdaman ang malakas na pag-alog na tumagal nang humigit-kumulang isang minuto sa mga rehiyon ng Nagekeo at Bima.
Sa kabila ng matinding takot, wala namang agad na naitalang malalang pinsala sa mga imprastraktura.
Samantala, isang beripikadong bidyo mula sa lungsod ng Maumere sa Flores Island ang nagpakita ng pagbagsak ng ilang bahagi ng gusali sa gitna ng sigawan at pagtakbo ng mga tao sa kalsada.
Naitaka ang paglilikas sa mga pasyente palabas ng isang ospital sa distrito ng Ende sa East Nusa Tenggara Province upang matiyak ang kanilang kaligtasan. Naitala ng BMKG ang unang pagyanig ganap na 4:58 ng umaga sa lalim na 15 kilometro, na sinundan ng ilang aftershocks.
Inihayag naman ng tsunami warning centre ng Australia na walang banta ng tsunami sa alinmang bahagi ng kanilang mainland, mga isla, o teritoryo dulot ng nasabing pagputok ng lindol sa ilalim ng dagat.















