-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Major Vencioly Luzano, ang chief of police ng PNP-Pasuquin ang pagkakahuli nila sa dalawang magkapatid na may kasong murder.

Ayon kay Luzano, nahuli ang makapatid sa kanilang bahay sa Barangay Pancian sa bayan ng Pagudpud.

Una rito, sinabi ni Luzano na may nakita sila sa kanilang himpilan na lumang kopya ng warrant of arrest at ibeneripika sa Regional Trial Court sa bayan ng Bangui.

Inihayag nito na matapos mavalidate ay aad nilang isinilbi ang warrant of arrest sa magkapatid dahil sa kanilang kaso.

Sinabi pa nito na ang warrant of arrest ay noon pang Setyembre 21, 1994 at pinirmahan ni Hon. Rodolfo U. Manzano, ang presiding Judge ng RTC Branch 19 sa bayan ng Bangui sa nasabing taon.

Hinggil dito, puwede umanong nagtago ang mga suspek noong nalaman nilang may inilabas na warrant of arrest ang korte.