-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng pulisya sa bayan ng Barobo, Surigao del Sur upang makilala at mahuli ang lone gunman na bumaril-patay sa dalawang magkakapatid dakong ala-1:40 ng hapon sa Purok 6, Brgy. Causwagan ng nasabing bayan.
Kinilala ni Barobo Municipal Police Chief PCaptain Johncel Barrameda ang mga biktimang sina Giovanni Tabugon, 28 na residente ng nasabing barangay at ang bunsong kapatid nitong si Jessica Tabugon, 20 na residente naman ng Sitio Samal, Brgy. Cabacungan ng nasabi ring bayan.
Lumabas sa kanilang imbestigasyon na namimili umano si Jessica sa Brgy. Poblacion at nagpahatid na sana sa kanyang kuya pauwi nang sila’y parehong pinagbabaril sa ulo at likuran sanhi ng kanilang agarang kamatayan.