Apat na bata mula sa isang Indigenous community sa Colombia ang natagpuang buhay sa timog ng bansa mahigit dalawang linggo matapos bumagsak ang sinasakyang eroplano sa gubat.
Ang mga bata ay nasagip ng mga miyembro ng militar, mga bumbero at mga opisyal ng civil aviation authority sa masukal na gubat ng lalawigan ng Caqueta sa Colombia.
Ang eroplano — isang Cessna 206 — ay may lulan ng pitong tao sa isang ruta sa pagitan ng Araracuara, sa lalawigan ng Amazonas, at San Jose del Guaviare, isang lungsod sa lalawigan ng Guaviare, nang maglabas ito ng mayday alert dahil sa pagkabigo ng makina noong mga unang oras noong Mayo 1.
Tatlong katao, kabilang ang piloto, ang namatay bilang resulta ng nasabing plane crash at ang kanilang mga katawan ay natagpuan sa loob ng eroplano.
Samantala, nakaligtas naman sa nasabing insidente ang apat na bata, nasa edad 13, 9 at 4, gayundin ang isang 11-buwang gulang na sanggol.
Ang paunang impormasyon mula sa awtoridad ng civil aviation ng Colombia, ay nagsabi na ang mga bata ay nakalabas sa eroplano at nagsumikap na humingi ng tulong.
Sa kasalukuyan, ang mga eroplano at helicopter mula sa hukbo ng Colombia ay nagsasagawa ng malawakang search and rescue operation upang hanapin ang nasabing mga bata.