ILOILO CITY – Patay ang mag-asawa ng sinalpok ng isang SUV ang sinasakyan nilang tricycle sa Barangay Dawis Sur, Zarraga, Iloilo.
Ang mga biktima ay nakilalang sina Maria Luisa Anativo, 38, at Eliseo Anativo Jr., 42, ng Brgy. Tanza Baybay, Iloilo City Proper.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Lieutenant Raffy Señeres, deputy chief of police ng Zarraga Municipal Police Station, sinabi nito na pauwi na sa Iloilo City ang mga biktima mula sa Pototan, Iloilo at mula sa lungsod papuntang Pototan ang SUV na minamaneho ni John Christopher Surmion, 21.
Ayon kay Señeres, base sa pahayag ng mga nakakita sa aksidente, inagaw ng tricycle ang linya ng SUV dahilan ng salpukan.
Nagtamo ng mga malubhang sugat sa katawan ang mag-asawa na naging sanhi ng kanilang pagkamatay habang sugatan rin ang isa pang sakay ng tricycle na si Jade Babao, 34, ng Tanza Baybay, Iloilo CIty.