-- Advertisements --

Mahaharap sa kasong paglabag sa pagpapatupad ng enhance community quarantine (ECQ) protocol ang mag-amang nahuliahn ng dalawang karton ng alak sa Medium Security Camp sa Muntinlupa City.

Ang mga suspek na sina Emilio Patinio, 61, na isang scavenger at Biazon Road, Poblacion Muntinlupa City at si Erickson Patinio, 19, jobless at residente ng Sitio Mapalad, Camp Sampaguita, Muntinlupa City.

Una rito, nagpapatol umano ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Medium Security Camp nang namataan nila ang mga suspek na naglalakad sa insular road ng Camp Sampaguita sa Muntinlupa City.

Ang bawat indibidwal ay may dalang box at nang hilingin ng mga tauhan ng BuCor na buksan nila ang mga box ay dito na tumambad ang 48 na bote ng alak.